Ipaprayoridad sa vaccine clinical trials ang mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ang Phase 3 trials ay isasagawa ng mga vaccine developers na nabigyan na ng approval.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, isasagawa sa loob ng halos isang buwan ang COVID-19 clinical trials sa high risk areas.
“Required na ang pagdadausan ng clinical trials at ito naman ay hindi magtatagal siguro ng isang buwan or even less, ay gagawin sa mga lugar na mataas ang incidence ng COVID-19 at kailangan ay mataas na incidence na yun ay consistent over the last the last two weeks bago mag-umpisa ang clinical trials,” sabi ni Dela Peña.
Nakadepende aniya ang DOST sa mga datos na ibibigay ng Department of Health (DOH) – Epidemiology Bureau hinggil sa mga posibleng lugar ung saan gagawin ang clinical trials.
“Pero ngayon pa lang kahit hindi nagsisimula, binigay na dito sa mga vaccine developers ang mga possible sites, at inaaabangan na lang, syempre kung sila ay maguumpisa na,” sabi ng DOST Chief.
Hindi pa nila maaaring sabihin ang clinical trial sites dahil bahagi ito ng Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa pagitan ng Pilipinas at vaccine developers.
Matatandaang nilagdaan ng Task Group on Vaccine Evaluation ang Selection ang CDAs ng 12 vaccine developers: ito ay ang Janssen; Sinovac Biotech; AstraZeneca; Gamaleya Research Institute; Sinopharm Group; Anhui Zhifei; University of Queensland; Adimmune Corporation; Academia Sinica; Tianyuan Biopharma; Bharat Biotech; at ang CureVac.
Source: https://rmn.ph/mga-lugar-na-matinding-tinamaan-ng-covid-19-ipaprayoridad-sa-clinical-trials-dost